Lesson learned like a boss.
Transferee na ang tawag sa ‘kin ngayon. Kasi hindi na ko sa UA&P mag-aaral next sem. Kasi nawalan ako ng scholarship. Kasi 2.25 ang maintaining GWA pero 2.51 nakuha ko. Kasi ‘di ko kinaya ang IT. Kasi hindi naman talaga IT ang gusto ko, kundi Multimedia Arts. Kasi hindi keri ng mga magulang ko na paaralin ako sa napakamahal na school tulod n’on.
Nung una kong nalaman na wala na kong scholarship, hindi ako nabigla. Hindi ako nalungkot o nagtanong kung bakit nangyari sa ‘kin yun at kung ano pang usual na nararamdaman ‘pag may nangyayaring ‘di maganda. Pero, na-disappoint ako. Kasi mahirap humanap ng scholarship. Mahirap makapasok sa isang international school na may 100% scholarship ka at walang kahirap-hirap ang proseso kundi mageexam ka lang at iinterviewhin ng ilang minuto. Nakakapanghinayang, oo. Pero hindi ‘yung pangit na side ang nakita ko. Ang unang pumasok sa isip ko, matetake ko na ‘yung course na gusto ko. Makakapag-Multimedia Arts na din ako.
Minsan iniisip ko, sayang ‘yung opportunity ko sa magand ‘yung school na napasukan ko, international eh. Natapos ko ‘yung isang taon at naging komportable na ko sa mga tao dun at nakabisado ko na din ang halos bawat sulok no’n (kasi maliit lang ‘yung school namin. hihi). Napakaganda mag-aral dun. Kung gusto mo talaga ‘yung course mo. Oo, pangmayaman, mahal ang tuition fee. Sabi nga ni Abra kay Shehyee, “‘Yung tuition niyo, baon lang namin.” Pero hindi ako ganun, kasi hindi naman kami mayaman. Sabi nga ng nanay ko, “Kung mababa lang ‘yung tuition niyo, dun na kita pag-aaralin kahit di ka na lumipat. Kasi sayang ‘yung one year. Sayang ‘yung mga units na na-take mo.”
Tama nanay ko, sayang nga. Pero kailangan ko na talaga magtransfer. Pumunta na ko sa iba’t ibang universities kung saan may Multimedia Arts (or any course that is related). Tinry ko sa UST, ‘di na sila tumatanggap ng transferees at malabo na daw ma-accept kahit i-try pa. Pumunta din ako sa Mapua kung saan maganda daw yung MAS. Pinag-iisipan ko pa kasi Quarterm dun at baka ikamatay ko. Sa UE naman, madali lang ang requirements & bago ata ‘yung Gaming keme nila dun pero Digital Animation gusto ko. Sa FEU naman, Bachelor in Fine Arts Major in Advertising Arts lang ang pinakamalapit sa MMA at pwede na ‘yun kaya isinama ko sa choices. Sa APC naman, okay din kaso sa lahat ng tinanungan ko, yun ang pinakamahal kaya medyo malabo. Kasi kahit ‘di ako ang magbabayad ng tuition ko, alam ko hirap ng mga magulang ‘pag nagpapaaral.
Hindi ang pagpili ng school ang problema ko ngayon. Hindi rin pera dahil kayang ibigay ‘yun sa ‘min ng Diyos. Ang talagang tanong dito ay: “Natuto ba ako sa nangyari sa ‘kin? Alam ko na ba gagawin ko next time?”
Oo, natuto ako. Na minsan ‘pag nasa taas tayo, akala natin dun na tayo forever. Nakakalimutan natin na kahit ano pwede mangyari. Kahit madasalin ka pang tao o kahit araw-araw ka pang nagsisimba. Kahit sobrang yaman ka pa o kahit tatay mo pa si Henry Sy. Kahit ang ganda-ganda ng buhay mo at lahat nasa ‘yo na. Lahat pwedeng mangyari. Ups and downs. Failures and accomplishments. Wins and losses. Happiness and despair. Minsan, nagiging kampante tayo masyado. Na maayos buhay natin. Na wala tayong problema.
Kaya dapat nating tatandaan na maging READY. Hindi dapat natin i-ready ang sarili natin sa pamamagitan ng paglinang sa mga kakayanan natin. Dapat, ang i-ready natin ay ang attitude natin. Attitude towards problems. Kasi kung may lakas ng loob tayo at tiwala sa Diyos, kahit lahat ng pagsubok sa mundo maransan mo, hindi ka susuko.
Sa totoo lang, sa pamamagitan ng pagsubok na ‘to, ang dami kong narealize. Narealize ko na mahal ako ng mga magulang ko. Kasi kahit sinisi nila ko sa nangyari (dahil kasalanan ko naman talaga), hindi sila nagalit sa ‘kin at wala kong narinig na pangit na salita mula sa kanila. Sila pa ang nag-eencourage sa ‘kin. Kung ibang magulang ‘yan, sigurado di na ko pag-aaralin. Isa pa, nakita ko kung sino ba talaga ‘yung mga tunay na may concern at nakakaintindi sa ‘kin. Kasi ‘yung mga kaibigan ko na ‘yun, hindi man nila ko matulungan sa paghahanap ng school o financially, sila ‘yung nagcheer up sakin at nagbigay ng lakas ng loob. At syempre, narealize ko kung gaano kabuti ang Diyos. Dahil lahat talaga may purpose. Kailangan lang madecode mo ‘yung gusto Niyang iparating sa ‘yo. At ‘yang mga trials na ‘yan, Vitamins ‘yan galing sa Kanya, pampatatag.
Isang taon lang naman ang dumaan. Hindi nasayang kasi may natutunan ako. At ‘yung mga natutunan ko, ‘yun ‘yung mga bagay na hindi ko akalaing matututuhan ko. ‘Yun ‘yung mga bagay na isang special teacher lang ang makakapagturo. SIYA ‘yun.
(Source: almostalovestory)
FIRST TIME. First time ko naexperience kumain ng mga ‘yan. Una, yung ALUPIHANG DAGAT. Nung una, syempre ayoko kainin. Kasi, sino ba namang gustong kumain ng alupihan diba? Haha. Pero pinilit ako kasi masarap daw. Buti na lang, mahilig ako sa sea foods kaya hindi ako maarte sa pagkain ng mga ganyan. Mahirap lang siya balatan, pero masarap pala talaga. Parang hipon din pero mas malaki nga lang. :)
Yung CHOCO FLOAT naman. Try lang namin yun ng kapatid ko. Kasi nga, nasa commercial. HAHAHA. Sakto lang. Hindi ganun kasarap pero okay na. Para sa ‘kin, mas okay pa din yung coke float.
Lastly, tinry ko din yung AVOCADO na tinitinda sa streets. Yung dumadaan-daan lang. Haha. Pinilit lang din kasi ako. Ayaw ko talaga nung una, kasi baka marumi. Pero hindi naman pala. Fresh kasi yung avocado tapos nilagyan ng milk, sugar at ice. Masarap siya at bagay na bagay ngayong summer! :3
Ang sarap mag-food trip! :D
(Source: almostalovestory)
Starting next Monday, 03/26, we’re going to feature awesome bloggers that you should follow! Watch out for it and you could be the next!
(Source: officialtumblrpilipinas)
Nagagandahan ako sa mga babaeng sobrang simple pero ang lakas ng dating.
- Yung tipong di nag-aayos pero ang ganda pa din.
- Yung tipong kaka-PE lang pero ang linis pa din tignan.
- Yung hindi maputi pero ang lakas ng appeal.
- Yung tipong di nagsusuot ng make-up pero laging may nakasuot na ngiti.
- Yung simple manamit. Di kailangang maarte.
- Yung hindi conscious sa itsura niya.
Ang cute lang nung mga ganyang babae. As in nagagandahan talaga ako sa kanila kahit babae din ako. Sila yung tipong may natural na ganda. :”>
(Source: almostalovestory)
Worst wrong sent message ko, ever! T3T
SITUATION: I HAVE TO TEXT ME UNCLE PARA IHATID AKO SA SCHOOL THAT MORNING. (last week ata?)
Naisip ko ding i-text “SIYA” ng good morning. Di ko napansin na number parin pala ni Tito yungh naka-input sa receiver.
Me: Good morning. Ingat ka. I love you. ♥ (may heart talaga yung msg ko.)
Tito: Ikaw ah, wrong send. Sino yan? Hehehe. Sumbong kita sa tatay mo.
I was like: Hala. Text lang sakin yun. Na-forward ko lang sayo!
Tito didn’t reply.
Syempre naman, halatang nagsisinungaling lang ako. :| Captain Obvious eh. =))))) Grabe, sobrang nakakahiya talaga sa Tito ko. Buti na lang close kami nun. Ang maganda pa, nung dumating siya sa bahay, parang wala lang nangyari. As in parang ordinary day lang! =)) xDD Tae.
(Source: almostalovestory)

